Bakit Kailangan Natin ng Doktor Sa Senado?

Larawan ni Doc Willie Ong, and Doktor sa Senado.Mula sa pagtaas ng kaso ng tigdas at kontrobersiya sa Dengvaxia hanggang sa mga debate sa medical marijuana at pagsasabatas ng Universal Health Care o Kalusugan Pangkalahatan (KP), sino-sino sa mga negosyante, abogado, politiko, at artista sa Senado ang sa palagay natin ay mas higit na nakakaintindi sa mga usaping pangkalusugan sa bansa? Hindi baga kailangan na natin ng doktor sa Senado?

Si Juan Flavier ang isa sa mga kilalang doktor na naging senador sa bansa mula noong 1995 hanggang 2007 at gayon din naman ang tinuringang “Senadora ng Masa” na si Luisa “Loi” P. Ejercito Estrada na naglingkod noong 2001 hanggang 2007. Sa kasalukuyan, walang doktor sa Senado. Datapuwat, may isang kumakandidatong doktor ngayong Halalan 2019 bilang Senador—walang iba kundi si Doc Willie Ong na mas nakilala sa “Salamat Dok” ng ABS-CBN.

Ang tanong, bakit nga ba kailangan natin ng doktor sa Senado?

1. Kailangan natin ng isang taong hindi lamang naiintindihan ang mga terminolohiyang medikal kundi pati ang totoong kalagayan ng kalusugan sa bansa.

Sa loob ng dalawampu’t limang (25) taon ng paglilingkod ni Doc Willie sa bayan lalo na sa mahihirap, nakita niyang kailangan ng platapormang pangkalusugan para sa mamamayan. Nakapagtapos si Doc Willie ng medikal degree sa De La Salle Cavite, nagpakadalubhasa rin siya sa kardyolohiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas, at tinutukan niya ang internal medicine sa Manila Doctors Hospital. Naging konsultant din ang butihing doktor sa Department of Health (DOH) sa loob ng apat na taon.

Sino pa ba ang mas kailangan natin ngayon para makatulong sa mga problemang pangkalusugan na kasalukuyang hinaharap ng bansa?

2. Kailangan natin hindi lamang ang dalubhasa sa panggagamot sa puso kundi ang may totoong puso sa paglilingkod sa bayan.

Sa panahon natin ngayon, nahihirapan ang ating mga kababayan sa pagpili ng kandidato dahil narin sa mababang tiwala sa mga opisyal ng gobyerno sanhi ng problema sa kurapsyon. Paminsan-minsan lang makakakita ang bansa ng isang taong matagal nang naglilingkod sa bayan hindi upang sila’y pagkapirahan kundi para sila’y pagsilbihan.

Si Doc Willie ay bihasa sa pampublikong kalusugan hindi lang dahil nakapagtapos siya ng Masters in Public Health kundi dahil matagal na rin siyang nag-aabot ng tulong sa mga mahihirap nating mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gamutan. Isang pagkakataon para sa atin ang makahanap ng taong nagbibigay ng serbisyo publiko na walang hinihinging kapalit at kahit wala siya sa mataas na posisyon.

WordPress.com

3. Kailangan natin ng doktor na tutulong para mas mapaigi ang PhilHealth, lalo na ngayon na naipasa na ang Universal Health Care (UHC).

Noong nakaraang Pebrero 25, 2019, bumisita si Doc Willie Ong sa Cebu para paunlakan ang imbitasyon ng “We, The People” na pumili sa kanya bilang isa sa kanilang labintatlong (13) kandidato. Tantiya ni Doc Willie, sa loob ng tatlong taon, maaaring 25% hanggang 30% lang ng mga kababayan ang matutulungan ng UHC dahil mapupunta ang pera sa mga ospital at sa sweldo ng mga nars, atbp. Ayon sa DOH, tinatayang 257 bilyong salapi ang kakailanganin upang maipatupad ang UHC sa loob ng unang taon.

Kailangan natin ng isang doktor na mambabatas na tutulong upang maipatupad ng tama ang batas at mabantayan ang perang gagastusin para sa mga programang pangkalusugan.

Mga kababayan ito po ang mga plataporma ni Doc Willie Ong sa kanyang pagtakbo sa Senado:

  • GAMOT: Pababain ang presyo ng gamot lalo na ang gamot sa kanser, diabetis, TB, highblood, atbp.
  • OPERASYON: Dapat libre ng gobyerno ang operasyon tulad ng goiter, myoma, luslos, at bukol.
  • ABISO: Palalawakin ang pag-abiso sa publiko upang makaiwas sa sakit.
  • LIBRE: Dapat i-libre ng PhilHealth ang lab test at diagnosis.
  • SAFE: Dapat ligtas ang mga gamot at mga pagkain natin.

Mga plataporma ni Doc Willie Ong, and Doktor sa Senado.

Nangunguna si Doc Willie sa mga online survey sa pagka-Senador at umabot na ngayon sa mahigit 9.5 milyon na mga follower ang kanyang Facebook Page. Wala siyang malaking makinarya gaya ng mga TV Ads, Radio Ads, at Billboard Ads kaya umaasa lang siya sa kanyang mga masugid na mga online supporters gaya ng Facebook Group na Doc Willie Ong Defenders.

Ayon kay Doc Willie:

“Mahirap itong laban natin. Pero iniisip ko lang na mas mahirap ang pinagdaraanan ng mga pasyente at kababayan natin. Para sa kanila ito.”

JP Abecilla

JP is a freelance writer and a full-time copy editor. Millennial writers like him want to explore content marketing strategies, writing skills, inspirational motivations, social media networks, online businesses, and virtual careers. More than writing, he loves coffee and donuts.

Leave a Reply