Sana Oil May Kakaibang New Year’s Resolution (Part 1)

Maligayang baong taon po. Nasimulan mo na bang gawin ang iyong New Year’s Resolution o nagdududa ka parin sa kaya mong gawin o baka isa ka sa mga naniniwala na “aahh, hindi na uso yan.”

Alam mo, kahit hindi ka na nagsusulat ng formal theme o informal theme gaya nong elementarya pa tayo, kailangan mo paring gumawa ng mga plano para sayong buhay mapa goal setting man ang tawag mo dyan o New Year’s Resolution.

Maliban sa taon-taong plano mo na #GFgoals o #BFgoals na hanggang ngayon ay hindi parin natutupad. Relate much.

Para sa kakaibang New Year’s Resolution, panoorin mo ang video nato.

Welcome to my channel! This is JP. Sana oil may kakaibang New Year’s Resolution. Puwes, sa araw na to, gusto kitang tulungan kung pano gumawa ng New Year’s Resolution at kung nakagawa ka na dahil January na, pwede more parin itong maging gabay para ayusin ang iyong mga plano.

UNA:
Gumawa ng tatlo hanggang limang taong mga layunin sa buhay; dapat unang taon ang 2020

Ito yung isa sa kakaiba na gusto kong ituro sa inyo. Kesa gumawa ka ng pang-isang taunan na plano, gawin mo nalang ito na pangmatagalan. Ang maganda rito, nakikita mo ang kabuoan ng iyong plano. Sa pamamagitan nito, magiging madali nalang para sayo na i-adjust ang susunod na New Year’s Resolution mo.

At ito, pag gumawa ka ng pang-isang taon na plano, dapat hati-hatiin mo yun sa labin-dalawang buwan. Halimbawa, kung gusto mong magka-girlfriend ngayong taon, anong dapat mong gawin sa unang buwan. Kung gusto mong makapagtapos sa pag-aaral sa taong ito, isipin mo pano ka magiging matagumpay sa unang trabaho mo. At ito, mas maganda kung gumawa ka rin ng linggo-linggo at araw-araw na mga plano mo para matupad ang iyong plano sa isang taon.

PANGALAWA:
Isulat ang lima o sampong mga tao na nais mong pasalamatan at sa tingin mo ay magiging bahagi ng iyong plano

Ang pagiging mapagpasalamat ay makatutulong sayo para maging positibo sa lahat ng bagay. Ito rin ang paraan na makilala mo ng lubusan ang mga taong nakatulong sayo at pwedeng makatulong sayo ulit.

PANGATLO:
Isulat ang lima o sampong kaganapan, desisyon, at mga nakamit mo na hindi mo makakalimutan at makakatulong sayo para sumulong

Ang pag-alala sa mga naging tagumpay mo ang siyang tutulong sayo na mas lalo pang pag-igihin ang pagtupad sayong mga pangarap. Darating at darating din ang pagkakataon na manghihina ka. Yung feeling na gusto mo nang tumigil. Gusto mo nang bumitaw, ganon. Ang mga magagandang naging kaganapan at naging desisyon mo sa buhay ang siyang magiging lakas mo para magpatuloy. Sila ang magiging inspirasyon at motivation mo.

PANG-APAT:
Isulat ang mga negatibong tao na hindi mo dapat pinakikitunguhan at pinakikinggan

Tanggapin man natin o hindi, meron at merong tao na ayaw sa atin. Sila yung mga tao na kahit anong gawin mo, pangit parin ang tingin nila sayo at wala ka paring silbi para sa kanila. Sila yung mga tao na hindi nagla-like sa mga post mo o kaya naman ay mga nagiging basher mo mula Facebook hanggang Twitter. Alalahanin at isulat mo ang mga taong yun. I-block mo sila sa lahat ng social media account mo para mabawasan ang mga sagabal at sakit sa ulo mo sa pag-abot ng iyong mga plano ngayong taon at mga susunod pang taon.

PANLIMA:
Isulat ang mga positibong bagay na dapat mong ipagpatuloy na gawin o gagawin palang

Halimbawa, gusto mong subukang mag-blog at nakagawa ka na ng iyong website, ipagpatuloy mo yan. Sa simula, mahirap siyang gawin lalo na pag kunti palang ang iyong mga kaalaman, pero habang tumatagal mas lalo kang magiging bihasa sa iyong ginagawa. Applicable yan sa lahat ng iyong gagawin, hindi lang sa pagba-blog, gaya ng pagsisimula ng negosyo o kaya naman ay pagkuha ng master’s degree.

Sa susunod na vlog natin, pag-uusapan parin natin ito ulit kaya medyo mapi-pending ang inyong New Year’s Resolution. Hanggang sa uulitin!

Follow JP Abecilla – The Millennial Writer on Facebook, Twitter, and Instagram or subscribe to his YouTube channel for more updates.

WordPress.com

JP Abecilla

JP is an experienced website content writer, SEO copy editor, and lifestyle blogger. He has already helped hundreds of clients and co-workers with his wide array of interests ranging from writing and digital marketing to motivational speaking, social media, online business, and virtual career. The Millennial Writer's website has been awarded Best Cebu Events Blog of 2019. More than writing, JP loves drinking a cup of coffee and eating donuts while reading a book or magazine.

Leave a Reply